Search a Movie

Wednesday, August 22, 2018

Ronda (2014)

Poster courtesy of Pinoy Rebyu
© Cinemalaya
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Ai-Ai de las Alas, Carlos Morales
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 15 minutes

Director: Nick Olanka
Writer: Adolfo Alix Jr., Nick Olanka
Production: Cinemalaya, Phoenix Features
Country: Philippines


Isang pulis si Paloma Arroyo (Ai-Ai de las Alas) na ang trabaho ay mag-ronda sa lansangan ng Maynila tuwing gabi kung saan sari-saring problema at krimen ang kaniyang nakakasalamuha. Kasabay nito ay ang kaniyang paghahanap sa nawawalang anak at pagharap sa isang bawal na pag-ibig.

Bagong atake ito para kay Ai-Ai dahil hindi katulad ng nakasanayan ng lahat na puro pagpapatawa ang kaniyang ginagawa, dito sa Ronda ay mas seryoso ang role na kaniyang ginampanan. Walang halong biro, walang slapstick at walang OA na acting kundi purong drama lamang ang mapapanood dito mula sa tinaguriang Comedy Concert Queen. Iyon nga lang, sa kabuuan ng pelikula ay ang seryosong mukha lang ni Ai-Ai ang makikita, patay na ekspresyon, nakasimangot na tila pasan ang buong daigdig. Wala na siyang ibang ipinakita pa maliban rito. 

Ganoon din ang naging kuwento ng pelikula. Bukod sa paghahanap nito sa kaniyang anak ay hindi na-establish kung papaano iikot ang kuwento. Literal na pagroronda lang ng mga karakter ang mapapanood dito na parang nanonood ka ng dokyumentaryo, ang kaibahan nga lang ay wala kang maririnig na narration ni Kara David sa iyong pinapanood. Underdeveloped ang mga karakter, binigyan sila ng sariling kuwento ngunit hindi na ito umusad pa at iniwan lang na nakatiwangwang hanggang sa matapos ang palabas. 

Kung iisipin mo kung ano ang iyong pinanood, tila wala itong sense. Sinundan mo lang ang buhay patrol ng dalawang pulis at ipinasilip sa iyo ang mga nangyayari sa bawat gabing kanilang tinatahak. Madarama mo dito ang hirap ng buhay katulad ng karaniwang ipinagsisigawan ng mga indie films. Ipapakita lang sa iyo ang katotohanan, walang iiwang mensahe, at hindi makapagbibigay ng ejoyment na inaasahan mo sa isang pelikula. 


No comments:

Post a Comment