Search a Movie

Tuesday, August 14, 2018

Cloverfield (2008)

Poster courtesy of Internet Movie Database
© Paramount Pictures
4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Michael Stahl-David, T.J. Miller, Jessica Lucas, Odette Yustman, Lizzy Caplan
Genre: Horror, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 25 minutes

Director: Matt Reeves
Writer: Drew Goddard
Production: Paramount Pictures, Bad Robot, Cloverfield Productions
Country: USA


Isang farewell party ang isinagawa para kay Rob Hawkins (Michael Stahl-David) bago ito lumipat patungong Japan para sa kaniyang trabaho. Sa kalagitnaan ng naturang pagsasaya ay biglaang nagkaroon ng malakas na lindol, mga pagsabog at pagkawala ng kuryente. Nagulantang hindi lang ang mga tao sa party kundi maging ang buong New York sa naganap.

Mapag-aalaman ng grupo nila Rob na isang kakaibang nilalang ang nagsimulang manira sa siyudad ng New York. Agad-agad nag-evacuate sina Rob kasama ang ilang kaibigan nito bago pa man sila maabutan ng dambuhalang halimaw, subalit habang papaalis sa lugar si Rob ay nakatanggap ito ng tawag mula sa dati nitong nobya na si Beth McIntyre (Odette Yustman) na kasalukuyang nasa panganib. Kaya naman ngayon, sa kabila ng nilalang na maaaring kumitil sa kaniyang buhay at ng mga kaibigan nito ay gagawin ni Rob ang lahat mailigtas lang si Beth.

Maraming nakuhang positibong review ang Cloverfield sa mga lehitimong kritiko nang ipalabas ito noong 2008 ngunit para sa akin ay marami akong hindi nagustuhan sa palabas. Una na rito ang pagiging selfish ng bida. Wala itong paki-alam sa mga kaibigan maging sa kapatid basta mailigtas lang ang nobya nitong dati na niyang pinabayaan. Na ayos lang mawala ang mga ito basta huwag lang ang kaniyang iniibig. Hindi ko mawari kung gusto ba nilang palabasin ang bida bilang isang matipunong tagapagligtas ngunit mas nagmukha itong makasariling kaibigan na hindi magandang maging katauhan ng isang bida para sa isang manonood.

Bukod sa mga nabanggit ay naging overdramatic din si Rob, hindi mo rin kasi dama kung gaano katindi ang pagmamahal nito kay Beth dahil bukod sa mga flashback clips na wala namang emotional effect ay wala ka nang alam sa naging kuwento ng dalawa kaya mahirap din maka-relate sa kung ano ang ipinaglalaban ng bida. Ang nakakainis pa dito, ang damsel in distress sa pelikula ay masyadong maangal at mas lalong hindi makakakuha ng simpatya sa manonood.

Wala kang ibang aabangan sa palabas kundi ang kumulang isa't kalahating oras na pagtakas, pagsagip at pagsunod ng mga bida mula sa perspective ng isang shaky camera kung saan karamihan ng iyong makikita ay ang likod ng mga bidang halos walang dialogue.


No comments:

Post a Comment