Search a Movie

Saturday, August 18, 2018

Avengers: Infinity War (2018)

Poster courtesy of IMP Awards
© Marvel Studios
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Robert Downey Jr., Chris Hemsworth, Josh Brolin, Benedict Cumberbatch
Genre: Action, Adventure, Fantasy, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 29 minutes

Director: Anthony Russo, Joe Russo
Writer: Christopher Markus, Stephen McFeely, Stan Lee (comics), Jack Kirby (comics)
Production: Marvel Studios
Country: USA


Sa ikatlong pagsasama-sama ng Earth's Mightiest Heroes (bukod sa Captain America: Civil War) ay muling nadagdagan ang Avengers team sa pelikulang Avengers: Infinity War. Sa pagkakataong ito ay sasamahan nila Spider-Man (Tom Holland), Doctor Strange (Benedict Cumberbatch), Black Panther (Chadwick Boseman) at ang Guardians of the Galaxy ang original Avengers sa pagharap sa kanilang pinakamatinding kalaban, si Thanos (Josh Brolin).

Ang ikatlong installment ng Avengers franchise ay iikot ang kuwento ni Thanos at kung paaano nito kinolekta ang mga infinity stones mula sa iba't-ibang panig ng universe. Kasama na dito ang mga infinity stones na hawak nila Loki (Tom Hiddleston), Doctor Strange at Vision (Paul Bettany).

Isa ang Avengers: Infinity War sa mga pinakamalaki at inabangang pelikula para sa taong 2018. Kung astig na ang pagsasama-sama ng mga original Avengers noong 2012 ay mas dumoble pa ito ngayon dahil sa mga bagong superheroes na naidagdag sa grupo katulad nila Doctor Strange, Black Panther, Spider-Man at ang Guardians of the Galaxy. 

Hindi parin nawala sa Avengers: Infinity War ang pagkakakilanlan ng isang Marvel movie, top-notch visual effects, nakakatuwang humor para mas lalo mong mahalin ang bawat karakter, at mga nakaka-hook na action sequences. 

Ngunit dahil sa pagiging masyadong malaki ng naturang pelikula at pagkakaroon ng mga bigating at iconic na characters ay mas lalong lumaki ang naging expectation ko sa palabas. Given na ang pagiging maganda ng pelikula, worth watching ika nga, ngunit bilang isang casual viewer ay hindi nito nakamit ang inaasahan kong kasiyahan sa panonood nito. Malalaki ang mga pangalang nakasama sa listahan ng cast kaya naman kinakailangan din ng mga ito ng maayos at magandang screen time at dahil dito ay medyo makalat ang pagkakalapat ng mga karakter sa inikot ng pelikula. Lahat ay naging anti-climactic. Isang rason ay hindi mo matutunghayan na magkakasama ang mga nasabing karakter sa iisang labanan. Ang mga ito ay nahati sa ilang maliliit na engkuwentro na nakapagbigay naman ng magagandang labanan ngunit ramdam mo ang pagkukulang. Dahil kinakailangang mabigyan ng pagkakataong mag-shine ang bawat bida, ang mga naging labanan ay nagmamadali, maikli kaya madaling mabitin. Kung kailan paganda na ang bakbakan ng mga bida at kalaban ay bigla-bigla itong natatapos.

Hindi ko gaanong naramdaman ang presensya nila Captain America at Black Widow, mas nag-focus ang palabas sa kontrabidang si Thanos at kina Iron Man at Thor. Gayunpaman, magaganda parin ang ipinamalas nilang action sequences. Marahil ay nanibago lang ako sa mga armas na gamit ng ating mga bida kung kaya't kakaiba ang naging experience ng mga aksyon dahil hindi natin nakita ang mga nakasanayang shield ni Captain America, hammer ni Thor at ang red hair ni Black Widow.

Hands down ako sa production value, story, visual effects, cast at ang kabuuan ng Avengers: Infinity War. Overall ay enjoy itong panoorin, gayunpaman ay hindi parin maiiwasan na maramdaman ang ilang pagkukulang nito lalo na kung sobrang taas ng inaasahan mo dito dahil sa hype na dulot nito.


No comments:

Post a Comment