Poster courtesy of IMP Awards © DreamWorks Animation |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Kevin Hart, Thomas Middleditch, Ed Helms
Genre: Animation, Comedy, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 29 minutes
Director: David Soren
Writer: Nicholas Stoller, David Soren, Dav Pilkey (book)
Production: DreamWorks Animation, Treehouse Comix
Country: USA
Sina George Beard (Kevin Hart) at Harold Hutchins (Thomas Middleditch) ang dalawang magkaibigang fourth graders na mahilig gumawa ng mga kalokohan sa kanilang eskwelahan. Parehong mapanlikha ang kanilang mga isipan, si George ay mahilig bumuo ng mga kuwento samantalang si Harold naman ang gumagawa ng ilustrasyon sa mga kuwentong ito ni George upang gawing komiks.
Nang minsang mahuli ang dalawa ni Principal Benjamin Krupp (Ed Helms) na gumagawa ng kabulastugan ay sinubukan niya silang paghiwalayin sa pamamagitan ng paglagay kina George at Harold sa magkaibang klase. Upang maiwasan ang parusang ito ay sinubukang i-hypnotize ni George ang kanilang principal gamit ang isang 3D Hypno Ring na nakuha niya sa isang cereal box. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumalab ang naturang singsing at ang masungit na principal ay naging sunud-sunuran sa mga utos ng dalawang bata. Dito na nabuhay ang kanilang superhero na si Captain Underpants.
Kung ang target ng palabas na ito ay ang mga bata, paniguradong magugustuhan nila ito dahil sa maganda nitong animation, makulay, masaya at very child-friendly. Ganoon din ang storyline nito, mapaglaro, makulit at tila hango sa imahinasyon ng isang bata na tiyak na kanilang ikakatuwa. Hindi rin nagpatalo ang pelikula pagdating sa humor, matatawa ka sa bawat banat. Sakto lang ang bawat punchlines at deadpans, hindi corny at hindi cheesy.
Ang puna lang na maipapataw ko dito ay masyadong mature ang boses ng mga karakter para sa isang bata. Mas maganda sana kung umangkop ang boses nila sa mga karakter na kanilang ipino-portray. Medyo off pakinggan ang isang bata na ang boses ay tunog matanda. Ang isa pang naging problema ko dito, katulad ng sinabi ko ay tila mula sa imahinasyon ng bata ang istorya ng Captain Underpants, kaya naman naging makalat ang climax nito.
Sa pangkalahatawan, isang magandang pelikula ang Captain Underpants: The First Epic Movie na bibigyan ka ng worth paying na animation, humor na patatawanin ka at storyline na mamahalin ng mga bata at maaari ding mga matatanda na lumaki sa naturang kuwento ni Captain Underpants. Ang ikinaganda ng pelikula ay naging interaction ng mga bida sa viewers, nagbigay ito ng kakaibang timpla sa mga karaniwang animation movies. Bukod dito ay may kaunting touch of comics parin ito, pagbibigay pugay sa naging source material ng naturang pelikula.
No comments:
Post a Comment