Search a Movie

Tuesday, August 28, 2018

The Foreigner (2017)

Poster courtesy of IMP Awards
© STX Entertainment
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Jackie Chan, Pierce Brosnan
Genre: Action, Crime, Drama
Runtime: 1 hour, 53 minutes

Director: Martin Campbell
Writer: David Marconi, Stephen Leather (novel)
Production: STX Entertainment, Sparkle Roll Media, Wanda Media Co., Huayi Brothers Media, Arthur Sarkissian Productions
Country: United Kingdom, China, USA


Dating Vietnam war special forces operator si Ngoc Minh Quan (Jackie Chan) na ngayon ay isa nang simpleng nagmamay-ari ng restaurant sa London kasama ang nag-iisang dalaga. Ngunit nabulabog ang tahimik na buhay ni Quan nang mapasama sa mga biktimang namatay ang kaniyang anak mula sa isang pagsabog na sanhi ng mga teroristang may kinalaman sa pulitika.

Pilit hinanap ni Quan ang hustisya sa pagkamatay ng kaniyang anak at isa lang ang makapagbibigay nito sa kaniya - ang Deputy First Minister of Northern Ireland na si Liam Hennessy (Pierce Brosnan) na dating UDI, ang grupong pinaghihinalaan ni Quan na nasa likod ng naturang terorismo.

Isang amang naghahabol ng hustisya, hindi na ito bago sa mga revenge-type na action movies. Ang naging pag-asa na lang ng pelikula ay ang bida nitong si Jackie Chan. Ngunit gayunpaman ay nahirapan paring buhatin ni Jackie Chan mag-isa ang buong pelikula dahil sa overused nitong storyline. Seryosong kuwento kasi ang tinahak ng The Foreigner, purong drama at walang halong ni katiting na comedy na siyang pangunahing sangkap sa mga karaniwang pelikula ni Jackie Chan.

Kumbaga ay malayo sa comfort zone ang naging role ni Jackie Chan sa naturang palabas. Maayos naman ang naging pag-arte nito sa kaniyang dramatic role, gayun din si Brosnan. Naging turn-off nga lang sa naging pag-arte ni Brosnan ay ang fake accent nito. Mahirap mag-concentrate kung naaalibadbaran ka sa pekeng accent nito.

Naging generic din ang mga action scenes sa palabas. Wala kang makikitang astig na labanan, walang kakaiba, walang nakakamangha. Ang ikinaganda nito ay makatotohanan ang mga aksyon sequences dito, believable ngunit iyon nga lang ay naging boring itong panoorin lalo na kung mataas ang naging ekspektasyon mo dito pagdating sa aksyon dahil nga isa itong pelikula ni Jackie Chan.


No comments:

Post a Comment