Search a Movie

Monday, August 13, 2018

Breaking In (2018)

Poster courtesy of IMP Awards
© Breaking In Pictures
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Gabrielle Union, Billy Burke
Genre: Crime, Thriller
Runtime: 1 hour, 28 minutes

Director: James McTeigue
Writer: Ryan Engle, Jaime Primak Sullivan (story)
Production: Breaking In Pictures, Will Packer Productions
Country: USA


Nang mamatay ang kaniyang ama sa aksidente ay agad napunta sa pangangalaga ni Shaun Russell (Gabrielle Union) ang mga ari-arian nito. Ang plano ni Shaun ay ibenta ang real-estate ng kaniyang ama kaya naman nang bisitahin nila ang naturang mansyon kasama ang kaniyang dalawang anak ay namangha ito sa security features ng naturang bahay na tila ba mayroon itong itinatago mula sa mga taga-labas.

Ang hindi alam ni Shaun, apat na kriminal na pala ang nagtatago sa loob ng kanilang bahay. Sa pagnanais na mahanap ang isang safe na naglalaman ng malaking halaga ng pera ay dinakip ng apat na kalalakihan ang dalawang anak ni Shaun kapalit ang kinalalagyan ng safe. Naiwan sa labas ng bahay si Shaun at gagawin nito ang lahat mailigtas lang ang mga anak sa kabila ng mahigpit na security system ng naturang bahay.

Sa mga karaniwang break-in thriller films, ang mga masasamang loob ang pumapasok sa loob ng bahay upang magnakaw o mang-harass, ngunit dito sa Breaking In ay tila binaliktad naman ang puwesto ng bida at kontrabida dahil ang bida naman ang kinakailangang manloob para mailigtas ang kaniyang mga minamahal.

Maganda ang overall concept ng naturang pelikula kung saan ang bida ay isang palaban na ina na katatakutan ng mga masasamang loob. Ang naging problema lang dito ay kinulang sa thrill ang bawat tagpo, oo nga't malakas ang bida ngunit maya't-maya ay back to zero na naman ang estado nito. Kumbaga simula nang magsubok itong pasukin ang bahay ay wala itong naging progreso hanggang sa dulo. 

Puno din ito ng mga overused scenes na karaniwan nang nakikita sa pelikulang may kaparehong genre tulad ng inosenteng kakilala na bibisita sa naturang bahay at knight-in-shining armor sa dulo na akala mo makakatulong ngunit dahil hindi naman siya ang lead star ng palabas ay wala din itong magagawa. Mga eksenang magbibigay pag-asa sana sa mga manonood ngunit dahil gamit na gamit na ay hindi na bumenta.

Maganda naman ang casting, magaling si Union sa kaniyang role iyon nga lang ay hindi ito nabigyan ng magandang kuwento at maayos na execution. Naging katulad lang din ito ng ibang break in movies, walang pinagkaiba at sumunod sa kung ano ang nakasanayan na.


No comments:

Post a Comment