Poster courtesy of IMP Awards © New Line Cinema |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Dwayne Johnson, Naomie Harris, Jeffrey Dean Morgan
Genre: Action, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 47 minutes
Director: Brad Peyton
Writer: Ryan Engle, Carlton Cuse, Ryan J. Condal, Adam Sztykiel, Midway Games (video game)
Production: 7 Bucks Entertainment, ASAP Entertainment, Flynn Picture Company, New Line Cinema, Twisted Media, Wrigley Pictures
Country: USA
Simula nang iwan ni Davis Okoye (Dwayne Johnson) ang kaniyang propesyon bilang isang sundalo ay lumipat ito sa pagiging primatologist na ang trabaho ay pag-aralan ang mga iba't-ibang uri ng unggoy. Sa trabahong ito ay napamahal na si Davis sa kaniyang mga alagang gorilla lalo na kay George na isang albino na kaniyang iniligats noong siya'y nasa US Army Special Forces pa lamang mula sa mga mangangaso.
Samantala, isang space station na pagmamay-ari ng kumpanyang Energyne ang sumabog at nasira mula sa kalawakan matapos magkagulo nang pumalya ang kanilang genetic experiment. Ilang mga labi mula sa nasirang space station ang nauwi sa Earth at bumagsak sa kalupaan ng Florida, kasama na dito ang tatlong canister na naglalaman ng genetic pathogen. Isa sa mga naturang canister ay napunta sa tirahan ni George kung saan aksidente nitong nalanghap ang laman nito dahilan upang magsimula siyang mag-mutate, mas lumaki at mas lumakas.
Bukod kay George, isang lobo at American crocodile din ang naapektuhan ng naturang pathogen. At bago pa man makapaminsala ang tatlo ay kinakailangang mahanap ni Davis ang antidote upang mailigtas ang kaibigan sa lalong madaling panahon.
Maraming inconsistencies sa naging kuwento ng Rampage. Una na dito ang genetic mutation ng tatlong hayop, maraming nabago sa hitsura ng buwaya at lobo, bukod sa paglaki ng mga ito ay may mga naidagdag sa mga katawan nila upang magmukha nakakatakot. Sa kabilang banda ay nanatili naman ang panlabas na anyo ni George, oo nga't lumaki siya ngunit ang hitsura nito sa simula ng palabas ay ganoon din nang matapos ang pelikula. Dahil siguro isa siya sa mga bida at magmumukha siyang kontrabida kung gagawin siyang nakakatakot. Kaya din nilang sumira ng mga naglalakihang gusali ngunit pagdating sa isang simpleng poste ay hindi nila ito magawang wasakin. Mapapatanong ka tuloy kung gaano ba kalakas ang mga nilalang na ito.
As usual ay wala paring ipinagbago sa pag-arte si Johnson, dahil wala rin namang ipinagbago ang mga role na kaniyang ginagampanan. Sa pagkakataong ito ay na-master na nito ang pagkakaroon ng tila superhuman abilities. Malakas, mahirap patumbahin at kahit na may tama ng baril ay kaya paring makipagbakbakan sa mga dambuhalang halimaw. Nakita na natin ito sa mga nauna niyang palabas kaya wala nang bago.
Wala ka ring aabangan sa mga kontrabida, bukod sa sila ang dahilan ng buong conflict ng palabas ay sa huli ay nagmukha silang mahina. Boring din ang naging karakter ni Naomie Harris na kinailangan lang upang maging side kick slash lover ni Johnson. Mabuti na lang at idinagdag nila ang karakter ni Jeffrey Dean Morgan upang magkaroon ng kakaibang timpla sa medyo cliche nang takbo ng istorya.
Mapunta naman tayo sa mga positibong ganap sa Rampage. Double thumbs up ako sa visual effects ng pelikula. Makatotohanan at hindi halatang CGI ang tatlong hayop na bumida dito. Enjoy silang panoorin kaya sa kabila ng mga naunang sinabi ko ay nakapagbigay parin ang naturang pelikula ng magandang entertainment value. Maaari itong maging guilty pleasure ng ilang. Hindi kagandahan ang storyline ngunit uupuan mo parin hanggang sa katapusan.
No comments:
Post a Comment