Poster courtesy of GMA Network © Unitel Pictures |
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Tuesday Vargas, Travis Kraft
Genre: Comedy
Runtime: 1 hour, 40 minutes
Director: Randolph Longjas
Writer: Allan Habon, Alpha Habon, Rod Cabataña Marmol
Production: Bodega Film Production, CineRent, Unitel Pictures
Country: Philippines
Ang Turkey Man ay Pabo Rin ay ang kuwento sa pag-iibigan ng isang Kano at isang Pinay. Si Matthew Adams (Travis Kraft), isang call center consultant na na-destino sa Pilipinas ay na nahulog ang loob sa isang byudang Pinay na si Cookie Bigoy (Tuesday Vargas), isang magbabangus na may isang anak. Nagkakilala ang dalawa sa dating site na Kano Luvs Pinay at simula noon ay nagsama na sa iisang bubong.
Masusubok ang tibay ng kanilang relasyon sa pagharap ng dalawa sa magkaiba nilang kultura. Kinakailangang yakapin ni Matthew ang kakaibang kulutra ng mga Pinoy at ganun din si Cookie na kailangan ding sundin ang nakagisnan na ng asawa. Kaya naman problema ngayon ni Cookie kung saan siya makakahanap ng turkey para sa paparating na Thanksgiving, bukod pa roon ay kailangan din niyang pumasa sa immigration.
Sa simula ay hindi ko nagustuhan ang pagiging overacting ng buong cast. Masyadong pabebe ang pag-arte ni Vargas na siyang tipikal na nating nakikita sa kaniyang pagpapatawa ngunit sa pagtagal ng pelikula ay makakasanayan mo rin ang bawat karakter at makukuha din nila ang loob mo lalo na ang dalawang bida na sina Cookie at Matthew. Maganda ang konsepto ng pelikula na ipinapakita ang point-of-view ng isang banyaga tungkol sa Pilipinas. Dito ay mapapanood natin ang mga relatable na pangungutya sa kulturang Pinoy in a humorous way na hindi lumalabas na offensive.
Bibigyan ka ng purong katatawanan dahil halos lahat, may asawa ka mang Kano o wala, kung Pinoy ka ay makaka-relate ka sa nais ilarawan ng palabas. Mapag-uusapan dito ang mga stereotype na tradisyong Pinoy tulad ng pagdadala ng payong kahit hindi umuulan, paggamit ng salitang "ano", paniniwala sa mga albularyo at pamahiin, pagkanta sa videoke buong magdamag at kung ano pa.
Bukod sa nakakatuwang konsepto at istorya ay may dala rin itong kaunting kilig. Maganda ang tandem nila Vargas at Kraft at naipakita nila ang tunay na pag-iibigan ng kanilang mga karakter. Mabuti na lang at totoong Kano ang kinuha nila bilang Matthew dahil mas natural ang kaniyang pagsasabuhay. Dito ko rin unang nakita si Vargas sa isang madramang eksena at masasabi kong may ibubuga siya pagdating dito.
Ito ang tunay na feel-good movie, purong katatawanan lang ang dala na may simple ngunit nasasabayang kuwento. Hindi ito pa-deep ngunit may sense panoorin at malinis ang pagkakagawa. Mula simula hanggang sa wakas ay tututukan mo ang istorya dahil maganda ang narrative nito at higit sa lahat, mamahalin mo ang bawat karakter.
No comments:
Post a Comment