Search a Movie

Tuesday, December 6, 2016

Cloud Atlas (2012)

Poster courtesy of IMP Awards
© Cloud Atlas Production
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Tom Hanks, Halle Berry, Jim Broadbent, Hugo Weaving, Jim Sturgess, Doona Bae
Genre: Drama, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 52 minutes

Directors: Lana Wachowski, Tom Tykwer, Andy Wachowski
Writers: Lana Wachowski, Tom Tykwer, Andy Wachowski, David Mitchell (novel)
Production: Cloud Atlas Production, X-Filme Creative Pool, Anarchos Productions
Country: Germany, USA


Limang era, limang kuwento, pare-parehong actor sa iba't-ibang karakter, ang Cloud Atlas ay isang pelikula na maaaring obra maestra para sa iba at basura naman sa ilan depende sa kung ano ang maintindihan ng manonood pagkatapos ng pelikula.

Ito ay nahahati sa anim henerasyon na may kaniya-kaniyang sariling kuwento, sa iba't-ibang lugar. Sa Pacific Islands sa taong 1849, ang abogadong si Adam Ewing (Jim Sturgess) ay nagpunta sa Chatham Islands para makipag-ayos sa isang negosyo, sa pag-uwi nito ay makikilala niya ang isang Moriori slave na siyang magliligtas sa kaniya mula sa kamatayn. Ang istorya naman ni Robert Frobisher (Ben Wishaw) sa Cambridge/Edinburgh ang masasaksihan sa taong 1936. Isa siyang amateur English composer na nakakuha ng trabaho mula sa ngayo'y matanda nang composer na si Vyvyan Ayrs (Jim Broadbent). Sa kaniyang pagta-trabaho bilang amanuensis ay nakagawa si Frobisher ng kaniyang sariling kanta, ang "The Cloud Atlas Sextet", na agad inako ni Ayrs nang marinig niya itong tinutugtog ni Frobisher.

Sa San Fransisco, 1973, ay makikilala ng journalist na si Luisa Rey (Halle Berry) ang matandang si Rufus Sixsmith (James D'Arcy) na mula sa kuwento ng 1936. Kay Rufus malalaman ni Luisa ang isang conspiracy tungkol sa isang bagong nuclear reactor na pagsisimulan ng tangkang pagpatay sa kanilang mga buhay. Ang pang-apat na henerasyon ay naganap sa London, taong 2012, na iikot sa buhay ng publisher na si Timothy Cavendish (Broadbent).

Ang huling dalawang henerasyon ay para sa taong 2141 at 2321 sa South Korea at Hawaii. Si Sonmi~451 (Doona Bae) ay isang human cloned na serbidora sa isang fast food restaurant sa South Korea, siya ang sasambahin ng mga angkan nila Zachry Bailey sa post-apocalyptic na hinaharap pagdating ng 2321.

Napakahusay ng mga tao sa likod ng pelikulang ito dahil bukod sa pagsasama-sama ng anim na kuwento ay nagawan nila itong bigyan ng koneksyon ang isa't-isa. Mahirap man sundan sa simula ay mauunawaan mo rin ito sa pag-usad ng palabas. Iyon nga lang ay kinakailangan mo ng matinding konsentrasyon sa panonood nito kung hindi ay malilito ka lang.

Salitan ang ginawa nila sa pagpapakita ng bawat kuwento kung kaya't mas nakakalito ang pag-unawa dito. Sabi nga nila ay parang paper mosaic na pinagsama-sama upang maging buo. Ang naging problema ko sa palabas na ito ay mas tumutok ako sa paghahanap ng mga aktor, kung sinu-sino ang ginagampanan nila sa bawat henerasyon at dahil dito hindi ko natutukan ng maayos ang kuwento. Ang tip ko sa panonood nito ay hayaan mong ang palabas mismo ang magbigay linaw sa kung ano ang ipinapalabas nito dahil sa huli ay malalaman mo rin naman kung ano ang koneksyon ng bawat kuwento sa isa't-isa.

Magaling ang buong cast at maayos naman ang visuals. Maganda ang cotume at make-up na siyang nakatulong upang makita ang pagkakaiba ng mga henerasyon. Isang pelikulang may matalinong kuwento na marahil kinakailangan pa ng second vieweing upang sapat na maintindihan ang istorya.


No comments:

Post a Comment