Search a Movie

Friday, December 16, 2016

Hairspray (2007)

Poster courtesy of IMP Awards
© New Line Cinema
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Nikki Blonsky, John Travolta, Amanda Bynes, Brittany Snow
Genre: Comedy, Musical, Romance 
Runtime: 1 hour, 57 minutes

Director: Adam Shankman
Writer: Leslie Dixon, Mark O'Donnell (play), Thomas Meehan (play)
Production: New Line Cinema, Ingenious Film Partners, Zadan / Meron Productions, Offspring Entertainment
Country: USA, United Kingdom


Dahil sa pagiging mataba, ang hangarin ni Tracy Turnblad (Nikki Blonsky) na makasama sa The Corny Collin Show ay hindi natuloy. Ngunit nang isang araw ay madiskubre mismo ni Corny Collin (James Marsden) ang mga moves ni Tracy ay naimbitahan siyang sumali sa naturang palabas. Sa pagdating ni Tracy sa palabas ay agad siyang naging popular, nagkaroon ng endorsements at naungusan ang dating star ng show na si Amber Von Tussle (Brittany Snow). Dahil dito, ang ina nitong si Velma Von Tussle (Michelle Pfeiffer) ay naisipang alisin na lang sa palabas ang "Negro Day" kung saan ang mga mananayaw na African-American ay lumalabas sa TV show isang beses sa isang buwan. Sa pagkansela ng Negro Day ay dito nagsimula ang integration na pinangunahan mismo ni Tracy.

Maraming iginanda ang Hairspray kumpara sa orihinal nitong pelikula noong 1988. Mas malinis na ngayon ang cinematography nito. At dahil ibinase rin ito sa Broadway version ay ginawa na ring musical ang pelikula. May mga ipinagbago ang takbo ng kuwento, sa palabas ay mas nabigyang pansin ang issue sa racism at dito nag-pokus ang pelikula. At ang mga eksenang tila walang saysay sa naunang palabas ay nagkaroon na ng sense ngayon dahil sa mga idinagdag na eksena upang mas maging kapani-paniwala ang mga pangyayari.

May kaunting pagbabago rin sa mga karakter, may mga inalis at may mga iniba ang role. Dito ay nabawasan ang screen time ni Link Larkin (Zac Efron) at naging subplot na lang ang kuwento nila ni Tracy. Dahil dito ay hindi na na-develop ang kanilang love story at tila biglang nagkamabutihan na lang sila bigla. 

Pagdating sa cast, kitang-kita na hirap sumayaw ang mga bida. Maganda man ang production at ang mga musikang ginamit ay hindi ito masyadong nabigyan ng hustisya ng pangkaraniwan nilang pag-arte. Hindi ko rin naramdaman na sikat si Tracy sa palabas. Masyado itong nag-pokus sa racism plot at ang ibang aspeto ng pelikula ay hindi na nabigyang pansin tulad ng conflict sa TV set at ang mini-adventure ng magkakaibigan. Masyado itong tinadtad ng musical scenes sa puntong nakaka-bore na itong panoorin. Ganunpaman ay mas maganda ang pagkakagawa ng remake na ito kumpara sa orihinal.


No comments:

Post a Comment