Poster courtesy of IMP Awards © Walt Disney Animation |
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: John Kahrs, Kari Wahlgren
Genre: Animation, Romance, Short
Runtime: 7 minutes
Director: John Kahrs
Writer: Clio Chiang, Kendelle Hoyer
Production: Walt Disney Animation
Country: USA
Nasa isang istasyon ng tren si George (John Kahrs) nang una nitong makita ang babaeng kaniyang pinapangarap, si Meg (Kari Wahlgren). Ngunit sa kasamaang-palad, agad silang nagkahiwalay nang sumakay ng tren si Meg nang hindi namamalayan ni George.
Habang nasa trabaho, sa pangalawang pagkakataon ay muling nasilayan ni George si Meg, ngayon naman ay sa kabilang gusali katapat ng opisinang kaniyang pinagta-trabahuhan. Upang makuha ang atensyon ng dalaga ay paulit-ulit itong gumawa ng eroplanong papel na siyang ibinabato nito sa kabilang gusali ngunit sa huli ay bigo parin si George na makuha ang atensyon ni Meg. Nang mawalan ng pag-asa si George ay ang kapalaran na mismo ang gumawa ng paraan upang muling magtagpo ang landas ng dalawa.
Sa higit-kumulang pitong minuto, isang nakakakilig na palabas ang mapapanood sa Paperman na ginawa para sa mga hopeless romantic. Ngunit kung isa kang realista ay hindi mo matitipuhan ang kuwento nito. Ang napakagandang animation na sinamahan pa ng nakakadalang musika ang bibihag sa iyo sa maikling pelikula na ito. Ang pagiging black-and-white nito ang isa pa sa mga nagustuhan ko sa palabas, nagmukha ito classy at sopistikada na medyo hindi umakma sa sobrang animated na bida.
No comments:
Post a Comment