Search a Movie

Friday, December 2, 2016

Friends Never Die (2012)

Poster courtesy Listal
© Phranakorn Film
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Mario Maurer, Natcha Jantapan, Monchanok Saengchaiengphen
Genre: Action
Runtime: 1 hour, 43 minutes

Director: Atsachan Suttagowit
Writer: Atsachan Suttagowit
Production: Phranakorn Film
Country: Thailand


SPERM. Ito ang pangalan ng gang-group na pinamumunuan ng estudyanteng si Gun (Mario Maurer). Katulad ng isang pangkaraniwang gang, malapit sila sa gulo at halos araw-araw na nakakasalamuha ng mga bagong kaaway. Ngunit ang kaibahan ng SPERM sa ibang grupo ay may puso ang kanilang gang, simula't-sapul ay palaging pinapaalalahanan ni Gun ang kaniyang mga kasamahan sa patas na pakikipag-away at ang paggalang sa mga kaibigan. 

Ito ang nasaksihan ng bagong saltang si Song (Natcha Jantapan) nang sumali siya bilang miyembro ng grupo. Bagamat malayo sa pagiging basagulero, agad nakagaan ng loob ni Song ang bawat miyembro nito dahil sa pagiging masayahin nila at pagiging protective sa bawat isa. Ngunit hindi sa lahat ng oras ay nagkakaisa ang grupo, masusubok ang tatag ng pagsasama at pagkakaibigan ng mga miyembro ng SPERM nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang kanilang samahan na mauuwi sa isang matinding peligro.

Marami sa mga eksena sa pelikula ang matatawag ko nang cliché dahil ilan sa mga dito ay paulit-ulit ko nang napanood sa ibang palabas. Bukod dito ay hindi maganda ang pag-arte ng mga aktor sa pelikula, kaibig-ibig ang bawat karakter ngunit dahil sa dami nila ay naging one-dimensional lang sila at wala akong nakitang development sa kanilang papel.

Maganda at touching ang kuwento ng Friends Never Die na ibinase sa mga totoong pangyayari ngunit hindi maayos ang story-telling nito. May mga subplots na ipinasok lang para magbigay drama o komedya at ang mga twist na siya dapat saving grace ng pelikula ay ibinunyag sa mga maling pagkakataon kaya tuloy nagmukhang out-of-place ang mga rebelasyon at nawalan ng gulat factor.

Gayumpaman, maganda ang love angle na ipinasok sa pelikula, ang naging problema lang ay natapos ang palabas na walang closure sa isa sa mga bida at ni hindi man lang binigyan ng follow-up ang kaniyang kuwento. Ang Friends Never Die ay isang istorya ng pagkakaibigan na mag-iiwan ng kirot sa puso at bigat sa damdamin ng bawat manonood at sa parehong pagkakataon ay magbibigay depenisyon sa tunay na kahulugan ng pagkakaibigan.


No comments:

Post a Comment