Poster courtesy of IMP Awards © Sony Pictures Animation |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Adam Sandler, Andy Samberg, Selena Gomez, Asher Blinkoff
Genre: Animation, Comedy, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 29 minutes
Director: Genndy Tartakovsky
Writer: Robert Smigel, Adam Sandler
Production: Columbia Pictures, LStar Capital, Sony Pictures Animation
Country: USA
Susundan ng Hotel Transylvania 2 ang kuwentong iniwan nito sa naunang pelikula. Matapos ikasal ang bampirang si Mavis (Selena Gomez) sa mortal nitong fiancé na si Jonathan (Andy Samberg) ay ipinanganak nito ang half-vampire at half-human na si Denis (Asher Blinkoff). Sa pagtuntong ng bata sa ika-limang taon nito ay nabahala ang lolo nitong si Drakula (Adam Sandler) na baka hindi magkaroon ng vampire powers ang apo nito. Kaya naman inutusan nito sina Jonathan at Mavis na magpunta sa California upang bisitahin ang kanilang in-laws at iwan si Denis sa kaniyang pangangalaga. Sa pag-alis ng mga magulang ni Denis ay dito na sinimulang turuan ni Drakula ang apo na maging halimaw na tulad nila.
Alam naman nating mahirap pantayan ng mga sequels ang mga predecessors nito at marami nang pelikula ang nagpatunay sa "sequel curse" na ito. Isa ang Hotel Transylvania 2 sa mga pangalawang installment na pasok sa samahan ng mga sequels na bigong marating ang ganda ng nauna nitong pelikula. Bagamat isa itong box office success ay hindi ito pumantay sa lebel Hotel Transylvania. Maayos ang kuwento nito ngunit pinuno ito ng corny na pun jokes at ginawa pang epal ang mga karakter. Pamilyar na rin ang ibang jokes na ginamit dito kaya nawalan na ng appeal sa pandinig. Higit sa lahat ay hindi bumagay ang pop music na isinalang sa pelikula.
Gayunpaman ay maganda parin ang animations nito. Entertaining siya visually dahil sa makukulay nitong karakter at setting kaya ayos ito para sa mga bata na siya namang target audience ng palabas. Iyon nga lang ay mga bata lang talaga ang magkakagusto nito maliban na lang kung pasado na sa iyo ang humor na gawang Adam Sandler.
Gayunpaman ay maganda parin ang animations nito. Entertaining siya visually dahil sa makukulay nitong karakter at setting kaya ayos ito para sa mga bata na siya namang target audience ng palabas. Iyon nga lang ay mga bata lang talaga ang magkakagusto nito maliban na lang kung pasado na sa iyo ang humor na gawang Adam Sandler.
No comments:
Post a Comment