Poster courtesy of IMP Awards © Columbia Pictures |
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Chris Sarandon, William Ragsdale, Amanda Bearse, Roddy McDowall
Genre: Horror, Thriller
Runtime: 1 hour, 46 minutes
Director: Tom Holland
Writer: Tom Holland
Production: Columbia Pictures, Vistar Films,
Country: USA
Mahilig sa nakakatakot na palabas at masugid na tagasubaybay ng TV show na Fright Night si Charley Brewster (William Ragsdale) kaya naman nang madiskubre nitong ang bagong lipat nilang kapit bahay na si Jerry Dandrige (Chris Sarandon) ay isa palang bampira ay walang naniwala sa kaniya. Hindi naglaon, nagsimulang magkaroon ang kanilang lugar ng mga kaso ng pagkawala ng ilang kababaihan. Ang paniniwala ni Charley ay si Jerry ang dahilan ng mga pagkawalang ito kaya naisipan nitong magpatulong sa vampire hunter na si Peter Vincent (Roddy McDowall), mas kilala bilang ang host ng Fright Night.
Noong una'y hirap paniwalaan ni Peter ang mga akusasyon ni Charley ngunit nang mapatunayan ng binata ang tunay na katauhan ni Jerry ay nagtulungan ang dalawa upang puksain ang dayo sa kanilang lugar.
Swak na swak kay Sarandon ang role niya bilang isang bampira. Kuhang-kuha nito ang pagiging alpha male ng kaniyang karakter, nakakabighani at sa parehong pagkakataon ay nakakatakot. Maganda ang naging simula ng pelikula, maayos ang daloy ng kuwento ngunit lumaylay ito sa kalagitnaan at medyo nagkalat na sa katapusan. Gayunpaman ay nakakabilib ang practical effects na ginamit ni Tom Holland sa pelikula at bumagay rin ang musical scoring na inihanda nito.
Hindi ka matatakot sa palabas ngunit may dala itong nginig dahil na rin sa magandang portrayal ni Sarandon sa karakter na kaniyang ginampanan.
No comments:
Post a Comment