Poster courtesy of JoBlo Movie Network © New Line Cinema |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Ricki Lake, Divine, Michael St. Gerard, Colleen Fitzpatrick
Genre: Comedy, Musical, Romance
Runtime: 1 hour, 32 minutes
Director: John Waters
Writer: John Waters
Production: New Line Cinema, Robert Shaye Production, Stanley F. Buchthal
Country: USA
Dati'y isa lang masugid na tagasubaybay si Tracy Turnblad (Ricki Lake) ng The Corny Collins Show ngunit nang sinubukan nitong mag-audition para sa naturang palabas ay dito nadiskubre ang galing niya sa pagsasayaw. Naging regular siya sa show at ang angking talento nito ang siyang kinasangkapan niya upang maging matagumpay at sumikat sa larangang dati ay pinapanood lang niya sa telebisyon.
Ngayong may sarili na siyang pangalan ay ginamit ni Tracy ang kaniyang kasikatan upang ipaglaban ang kaniyang paniniwala na dapat ay hindi ibinubukod ang mga tao base sa kulay ng kanilang balat. Dahil dito ay umani ng batikos ang dalaga lalung-lalo na mula sa pamilya ni Amber Von Tussle (Colleen Fitzpatrick) na dating bida sa The Corny Collins Show at ngayo'y matalik nang karibal ni Tracy hindi lang sa career kundi maging sa pag-ibig ni Link Larkin (Michael St. Gerard).
Hindi ko mawari kung papaanong naging isang cult classic ang tulad ng Hairspray kung saan ang lahat ng karakter ay exaggerated at kasing OA ng dibdib ni Edna Turnblad (Divine). Maganda sana ang istorya nito kung hindi lang magulo ang itinakbo. Dito ay binigyang pansin ang iba't-ibang isyu sa lipunan tulad ng police brutality, body shaming at higit sa lahat ay ang racism na maganda sanang talakayin sa isang pelikula kung nagkaroon lang ito ng magandang direksyon. Hindi ako napatawa ng pelikula ngunit na-entertain naman ako kahit papaano dahil maganda ang mga musikang ginamit, pa-iindakin ka ng mga dance moves ng palabas ngunit hanggang doon lang ang iginanda ng pelikula.
Masyadong magulo ang naging climax nito, nagkalat ang mga karakter at hindi mo na mawari kung ano ang nangyayari sa iyong harapan. Nagmistulan itong napabayaang sitcom na pinagtyagaan gawing upang magkaroon lang ng filler sa telebisyon.
No comments:
Post a Comment