Poster courtesy of The Movie DB © Une Bloc |
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Carlo Aquino, Ketchup Eusebio, Pocholo Barretto, Empoy, Luane Dy
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 35 minutes
Director: Ato Bautista
Writer: Shugo Praico
Production: Une Bloc
Country: Philippines
Iba't-ibang karakter na may sari-sariling kuwento, pinagkabit ng isang pangyayari na siyang bubuo sa isang obra maestra. Ang pelikula ay iikot sa mga karakter nila Rey (Carlo Aquino), isang tahimik na estudyante na may malupit na tatay; ang girlfriend nitong si Angel (Luane Dy) na bagamat may relihyosong ama ay may pilyang pag-uugali; si Pogi (Ketchup Eusebio) na may lihim na pagtingin kay Angel, isang tambay na binubuhay ng inang OFW; si Jopet, na kainuman ni Pogi, may baldadong kapatid at ang paulit-ulit na mino-molestiya ng baranggay captain na si Lakay (Lito Pimentel); Si Kahoy (Empoy), dispatcher ng jeepney at isang snatcher; at sina Taba na kainuman nila Kahoy, Pogi at Jopet at si Bambam (Larry Asistin), isang baklang parlorista.
Sa buong palabas, ang kuwento ng mga karakter na ito ang susubaybayan ng manonood. Ang kanilang subplot ang magbibigay linaw sa istorya ng pelikula. Isa-isang pagtatagpiin ng kanilang karakter ang pelikula na mauuwi sa pagkabugbog ni Rey mula sa kamay nila Pogi, Jopet, Taba at Kahoy na siyang magiging sanhi ng isa sa mga pinaka-intense na katapusan na mapapanood sa isang pelikulang Pilipino.
Napakaganda ng storytelling na ginawa ni Ato Bautista sa kaniyang pelikula, para itong full course dinner na sinimulan niya sa appetizer hangang sa marating mo ang main course. Wala itong timeline na sinunod, magpapabalik-balik ang pelikula sa mga istorya nila Rey, Pogi, Kahoy at Jopet, at bawat eksena ay mag-iiwan ito ng isang pirasong gagamitin para sa rebelasyon ng pelikula. Pinaghalong reverse chronology at flashback ang direksyon na ginawa ni Bautista na sa kabila ng kalat na mga kuwento ay hindi naman ito ikalilito ng manonood.
Magaling ang mga nagsiganapang aktor. Nabigyan nila ng kaniya-kaniyang personalidad ang bawat bida. Naipamalas ni Eusebio ang galing niya sa pag-arte bilang tambay na puno ng angas at yabang ngunit bumabahag naman ang buntot kapag may dalaga nang kaharap. Hindi rin nagpatalo si Barretto na kayang-kayang magpakita ng matinding emosyon sa kaniyang mga ekspresyon, ang tahimik at puno ng galit na binatilyo na hindi umuurong sa basag-ulo. Minsan, may pagkakataong hindi umaakma ang medyo malamya nitong boses sa binibigyan niya ng buhay na si Jopet ngunit may mga eksena namang pumapasok ito sa personalidad ng kaniyang karakter lalo na tuwing ka-eksena nito ang kapatid nito na siyang nagpapakita ng payapa nitong ugali. Sa kanilang lahat, si Aquino ang may kahanga-hangang pagganap. Naipakita niya ang galing niya bilang isang aktor kahit na limitado lang ang kaniyang dialogue at wala gaanong malalaking eksena. Nagwa niyang maging misteryoso at tahimik na binata na nasa loob ang kulo, may inosenteng anyo ngunit mala-diyablong ugali na itinatago.
Naisabuhay ng pelikula ang pamumuhay at asal sa kalye, ang mga ugali ng taong walang pinag-aralan, mapagsamantala, at mga pagkataong nabuo dahil sa mga hindi magandang karanasan. Ipapaalam nito sa manonood na hindi lahat ng mabait ay mabait at hindi lahat ng masama ay masama. Minsan, ang ikinikilos ng mga taong ito ay sanhi lang ng mga masamang pangyayari at pagkakataon na siyang naglalabas sa mga saloobing matagal na itinago at kinimkim.

No comments:
Post a Comment