★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Angel Locsin, Shaina Magdayao
Genre: Comedy, Drama
Runtime: 2 hours, 5 minutes
Director: Cathy Garcia-Molina
Writer: Vanessa Valdez, Jose Javier Reyes
Production: ABS-CBN Film Productions, Star Cinema
Country: Philippines
Bunso at kaisa-isang lalaki sa limang magkakapatid si CJ (Enchong Dee) kaya naman nang magdesisyon itong pakasalan na ang nobyang si Princess (Angeline Quinto) ay muling nabuo ang kanilang pamilya. Si Teddie (Toni Gonzaga), ang panganay na anak, ay nagtatrabaho bilang waitress at kasambahay sa Madrid, ang ikalawang anak naman na si Bobbie (Bea Alonzo) ay manager sa New York, samantala ay nasa Pilipinas naman ang ikatlong si Alex (Angel Locsin) na isang film director at school teacher naman si Gabbi (Shaina Magdayao).
Walang bilib kay Princess ay gagawa ng paraan ang apat na ate ni CJ upang paghiwalayin ang dalawa nang sa gayon ay hindi na matuloy ang kasal. Subalit ang totoo problema ay wala sa magsing-irog, bagkus ay nasa magkakapatid mismo. Kailangang harapin ni Teddie na malayo ang propesyon niya sa inaasahan ng kaniyang pamilya. Masusubok naman ang tatag ni Bobbie sa bagong pag-ibig na kaniyang nahanap matapos maging kasintahan ni Alex ang dati niyang nobyo.
Hindi gaanong malalim ang naging plot ng pelikula kaya madali lang malaman kung papaano ito magtatapos. Ang nagustuhan ko sa kuwento nito ay ang sub-plots na binuo para sa mga ate ni CJ. Ito ang nagpaganda sa palabas dahil nakaka-intriga ang kani-kanilang sariling problema lalo na kina Bobbie at Alex.
Magaling ang cast kahit na minsan ay napaghahalata mong inaarte lang nila ang kanilang karakter at hindi sila mismo 'yung karakter. Bumilib ako sa confrontation scenes dahil dito lumabas ang tunay na galing ng bawat isa. Naglamunan sina Gonzaga, Locsin, at Alonzo at talagang tataasan ka ng balahibo sa iconic scene na ito dahil napakaganda ng pagkakasulat sa mga linyahan. 'Yung tipong iko-quote mo talaga sila sa social media post mo.
Ang hindi ko lang nagustuhan dito sa palabas na ito ay ang comedy part. Sobrang OA ng pamilya Bayag. Apelyido pa lang ay napaka-jeje na ng dating. Mabuti na lang at hindi na sila nag-focus dito masyado dahil tiyak na ito ang ikakasira ng pelikula kapag ipingpatuloy nila ang mga walang kuwentang banat at pekeng accent hanggang sa huli. Out of place lang kasi ang dating ng humor na puwede sanang idagdag bilang ice breaker kaso ay hindi nag-complement ang lebel ng drama nito sa ipinakita nilang komedya.
Ang mga artista ang nagbuhat sa Four Sisters and a Wedding. Sila ang dahilan kung bakit nakakadala ang mga eksena kahit na simple lang ang plot. Medyo too good to be true nga lang ang ginawa nilang pagresolba sa issues ng mga bida for the sake of the ending pero at the end of the day, ang mahalaga ay magi-enjoy ka sa panonood nito at higit sa lahat ay mag-iiwan ng tatak dahil sa dala nitong aral.
Poster courtesy of IMDb.
No comments:
Post a Comment