★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Chris Hemsworth, Rudhraksh Jaiswal, Randeep Hooda
Genre: Action
Runtime: 1 hour, 56 minutes
Director: Sam Hargrave
Writer: Joe Russo, Anthony Russo (story), Ande Parks (story)
Production: Netflix, AGBO, T.G.I.M Films
Country: USA
Isang mersenaryo si Tyler Rake (Chris Hemsworth) na binayaran upang bawiin ang anak ng isang drug lord na si Ovi Mahajan (Rudhraksh Jaiswal) mula sa kamay ng kalaban nilang sindikato matapos itong dukutin kapalit ng malaking halaga ng pera.
Sa kabila ng pagkakaroon ng personal na problema ay madali lang na tinapos ni Tyler ang ibinigay na trabaho para sa kaniya. Ang problema, matapos nitong iligtas ang bata ay biglang magbabago ang ihip ng hangin. Hindi ipinadala ng mga tauhan ng ama ni Ovi ang bayad kay Tyler dahilan upang hindi rin niya ibigay ang bata. Mula sa pagiging magkakampi, ang mga taong umupa sa kaniya ay sila na ngayon ang magtutulak para sa kaniyang kamatayan.
Action-packed ang Extraction. Maganda ang action choreographies nito mula sa habulan, fist fights, barilan at mga stunts. Ito ang pelikula para sa mga naghahanap ng thrill at adrenaline rush dahil literal na survival ng bida ang panonoorin mo.
Maganda rin ang storyline. Hindi ito tumulad sa mga tipikal na action tropes. Bumuo sila ng sariling kuwento kung saan magi-invest ka ng emosyon sa bida. Maganda ang naging tandem nila Hemsworth at Jaiswal pero naghanap pa rin ako ng kaunting kulay sa kanilang mga karakter. Boring ang dialogue at gamit na gamit na ang mga comedy punchlines dito para sa comedic undertone ng pelikula gayunpaman ay hindi ito gaanong kalaking problema para sa akin dahil bawing-bawi naman sila sa totoo nitong genre na aksyon.
Hit or miss ang make-up. Minsan ay nakaka-bother panoorin ang papunta na sa gold na kulay ng mga Indian actors. Maliban dito, ang mga dugo, dungis at ilan pang props ay maayos naman at kapani-paniwala. Mas na-excite rin ako sa pagiging open ending ng pelikula na nagpapahwiatig ng ikalawang yugto.
Poster courtesy of IMP Awards.
No comments:
Post a Comment