Search a Movie

Saturday, January 16, 2021

Love and Monsters (2020)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Dylan O'Brien, Jessica Henwick
Genre: Adventure, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 49 minutes

Director: Michael Matthews
Writer: Brian Duffield, Matthew Robinson
Production: Paramount Pictures, Entertainment One, 21 Laps Entertainment
Country: USA


Matapos wasakin ang asteroid na sana'y sisira sa planetang Earth ay nagkaroon ito ng side-effect para sa mga hayop na naninirahan dito. Ang mga cold-blooded animals ay naging dambuhala at naging halimaw na siyang dahilan kung bakit napilitan ang mga taong magtago at manirahan sa ilalim ng lupa.

Pitong taon na ang lumipas simula nang mangyari ang sakunang ito. Nawalan ng magulang si Joel Dawson (Dylan O'Brien) at nalayo siya sa kaniyang kasintahang si Aimee (Jessica Henwick). Sa pitong taon na iyon, sa ngalan ng pag-ibig, ay susubukan ni Joel sa unang pagkakataon ang kaniyang tapang upang harapin ang mga halimaw sa ibabaw ng lupa para hanapin at muling makapiling ang kaniyang minamahal.

Kung nakapanood ka na ng zombie apocalypse na pelikula ay parang ganito lang din ang Love and Monsters, ang kaibahan nga lang ay sa halip na zombies ang makakalaban ng bida ay mga halimaw. Okay sana ang naging pakikipagsapalaran ni Joel sa ibabaw ng lupa pero nakulangan ako rito, naghanap pa ako ng mas maaksyong adventure. Sa totoo lang ay medyo drag ang naging takbo ng istorya nito. Mabibilang lang sa daliri ng mga kamay ang mga halimaw na makikita mo rito na nakakapanghinayang dahil napaka-angas pa naman ng graphics. Nakakaaliw makita kung ano ang monster version ng mga hayop na nag-evolve dahil sa asteroid pero iilan lang dito ang makikita natin. Hindi ko tuloy ramdam ang pagiging post-apocalypitc ng pelikula dahil sa kakulangan ng mga halimaw na kayang-kaya pang patayin ng isang matatakuting bida.

Magandang adisyon ang mga karakter nila Michael Rooker bilang Clyde Dutton at Ariana Greenblatt bilang Minnow. Dinagdagan nila ng kulay ang malamlam na adventure ni Joel na sinibukang buhayin sa pamamagitan ng so-so na humor. Ang problema ay hindi sila masyadong na-utilize dahil ginamit lang sila para magkaroon ng character development ang bida.

Pagdating sa kuwento ay predictable na ang twists nito. Alam ko na rin kung saan papatungo ang kuwento pero kahit ganoon ay naging exciting pa rin naman ang naging climax lalo na sa pagpasok ni Henwick. Ang ginastusang CGI at overall look ng pelikula lang talaga ang naging saving grace ng palabas, isama na rin natin ang galing ng mga nagsiganapang aktor. Magandang pang-aliw ang Love and Monsers para sa mga naghahanp ng magandang Sci-Fi movie na mayroong nakabibilib na CGI.



Poster courtesy of IMDb.


No comments:

Post a Comment