Search a Movie

Friday, January 8, 2021

Scandal Makers (2008)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Cha Tae-hyun, Park Bo-young, Wang Seok-hyeon
Genre: Comedy, Drama, Music
Runtime: 1 hour, 48 minutes

Director: Kang Hyeong-cheol
Writer: Kang Hyeong-cheol
Production: DCG Plus, Lotte Entertainment, Toilet Pictures
Country: South Korea


Dating sikat na teen idol si Nam Hyeon-soo (Cha Tae-hyun) na bagamat nasa thirties na ay kilala pa rin bilang isang radio DJ. Sa kaniyang palabas sa radyo, isang letter sender ang pinayuhan nito na bumalik na lang sa kaniyang ama at ipakilala ang magiging unang apo nito. Ang hindi alam ni Hyeon-soo, ang letter sender na kaniyang binibigyan ng payo ay ang anak niya mula sa kaniyang first love.

Sa pagdating nila Hwang Jae-in (Park Bo-young) at ng anak nitong si Hwang Ki-dong (Wang Seok-hyeon) sa marangyang buhay ni Hyeon-soo ay biglang magbabago ang takbo ng kaniyang pamumuhay. Susubukan niyang kilalanin ang dalawa habang pilit niyang itatago mula sa publiko ang pagkakaroon niya ng anak at apo mula sa pagkabinata upang maprotektahan ang kaniyang career.

Hindi ako mahilig sa over na nga, exaggerated pa na humor ng pelikula kaya bawas puntos na ito para sa akin. Maganda naman ang kuwento, simple, pero sa totoo lang ay walang recall. Magagaling ang mga bumidang aktor. Marunong silang magpatawa at marunong din silang magpaiyak. Mamahalin mo ang bawat karakter dahil mayroon silang maayos na character development. Nakulangan lang ako sa climax na sana'y nagkaroon pa ng mas magandang pagkakatagpi-tagpi sa sa mga conflicts nito. Underwhelming ang climax at mas naramdaman ko pa ang secondhand embarrassment para sa bida nito. Boring din ang musical scoring na napansin ko dahil nakabawas ito sa emosyon na sana'y mararamdaman mo habang pinapanood ang pelikula.



Poster courtesy of Pinterest.


No comments:

Post a Comment