Search a Movie

Wednesday, January 13, 2021

The Swindlers (2017)

7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Hyun Bin, Yoo Ji-tae
Genre: Action, Crime, Thriller
Runtime: 1 hour, 57 minutes

Director: Jang Chang-won
Writer: Jang Chang-won
Production: Doodong Films, Showbox Entertainment
Country: South Korea


Scammer ng mga scammer si Hwang Ji-sung (Hyun Bin) na ang layunin ay hanapin at hulihin ang manggagantsong si Jang Du-chil (Heo Sung-tae), ang taong nasa likod ng pagpaslang sa kaniyang minamahal na ama.

Sa parehong pagkakataon ay si Du-chil din ang habol ng prosecutor na si Park Hee-soo (Yoo Ji-tae). Nang malaman nitong buhay pa pala ang inakala niyang patay nang dating kakilala ay gumawa ngayon ng plano si Hee-soo upang tuluyan nang mawala si Du-chil at hindi na makabalik pa sa South Korea, at ng sa gayon ay maiwasan ang nagbabantang corruption scandal na maaaring sumira sa mga taong nakatataas sa kaniya.

Sa pagtatagpo ng mga landas nila Ji-sung at Hee-soo ay magsasama ang dalawa at bubuo ng isang grupo upang mas mapabilis ang paghahanap kay Di-chul at matapos na ang sariling motibo ng bawat isa.

Tungkol ito sa paghihiganti with a class. Matalino ang pagkakasulat ng istorya. Kaabang-abang ang mga pasabog sa mga bawat eksena. Labanan ng utak ang mapapanood mo dito sa The Swindlers na nakakagana dahil maging ang iyong pag-iisip ay nacha-challenge habang nanonood. Hindi gaanong pangmatalino, pero hindi rin mababaw. Sakto lang upang masundan ng isang manonood na naghahanap ng aliw at sa parehong pagkakataon ay magandang kuwento.

Magaling ang cast lalo na si Hyun Bin. Nakakaaliw ang bawat karakter dahil nakasangkap na dito ang iconic na South Korean humor na sasabayan pa ng mapanakit sa dibdib na dramang magpapaiyak naman sa iyo kapag sumeryoso na ang mga kaganapan.

Nagustuhan ko ang naging takbo sa simula hanggang sa kalagitnaan. Pagdating sa climax at dulo, medyo naging predictable na ang direksyon nito kaya bumaba na ang naramdaman kong thrill. Nabanggit kong nagustuhan ko ang mga twist na nakatago para sa mga manonood pero masyado itong na-stretch pagdating sa katapusan ng palabas lalo na sa paggamit "spy twists" na hindi ko na babanggitin para hindi ma-spoil ang kuwento. Ginawa na kasi ito ng ilang beses ng isang kilalang Hollywood film.

Magugustuhan mo ang kuwento, magugustuhan mo rin ang mga karakter, lalong mas magugustuhan mo ang galing ng mga artistang bumida. Kung hindi ka mapili sa mga revenge-type na pelikula na hinaluan ng utak ay okay ito para sa'yo.



Poster courtesy of IMDb.


No comments:

Post a Comment