★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Shauna Macdonald, Natalie Mendoza, Alex Reid
Genre: Adventure, Horror, Thriller
Runtime: 1 hour, 39 minutes
Director: Neil Marshall
Writer: Neil Marshall
Production: Celador Films, Northmen Productions, Pathe UK
Country: United Kingdom
Biglang nagbago ang buhay ni Sarah Carter nang sa isang iglap ay ninakaw mula sa kaniya ang asawa't anak nito matapos maaksidente ang sinasakyan nilang kotse. Isang taon ang lumipas matapos ang malagim na parte ng buhay ni Sarah ay inanyayahan siya ng kaniyang mga kaibigan upang mag-hike at pumasok sa isang kuweba nang sa gayon ay pansamantala niyang malimutan ang nangyari sa kaniyang pamilya.
Sa kanilang pagsuong sa mapanganib na yungib ay mahaharap sa peligro ang buhay ng magkakaibigan nang mapag-alaman nilang mayroon silang ibang nilalang na kasama sa ilalim ng lupa, mga nilalang na na-istorbo ng grupo sa kanilang pagpasok sa tahimik nilang tahanan.
Masasabi ko na one hundred percent ay talagang tatakutin ka ng palabas na ito. Hindi na nila kailangan ng jump scares o anumang nakakatakot na musika dahil sapat na ang setting ng pelikula na madilim at masikip upang ilabas nito ang natatagong takot sa katawan ng bawat manonood. Hindi pa dito kasama ang mga halimaw na makakaharap ng mga bida dahilan upang mas tumaas pa ang lebel ng thrill at horror ng pelikula.
Pagdating sa mga karakter, mahirap makilala kung sino ang sino sa mga bida lalo na sa mga supporting characters. Dahil madilim at naka-full gear pa sila ay nahirapan akong kilalanin ang ibang karakter. Nakakalito kung sino ang nagsasalita o kung sino ang may eksena sa screen. Kinulang kasi sila sa depth at personality kaya sina Sarah at Juno (Natalie Mendoza) lang ang may recall.
Speaking of Juno ay siya ang pinakapaborito kong karakter dahil sa pagiging maangas nito, may personalidad at hindi one-dimensional. Nakakalungkot lang ang ginawa sa kaniyang karakter na kung tutuusin ay aksidente lang naman ang kaniyang naging kasalanan.
Isasama ko ang The Descent sa mga horror recommendations ko dahil nagawa nito ang dapat nitong gawin... ang manakot. Kung hindi ka naman hiker ay may mangilan-ilan ding tips kang matututunan dito. Maganda ang naging ending ng pelikula dahil makatotohanan siya at ang buong cast ay worth rooting for.
Poster courtesy of IMP Awards.
No comments:
Post a Comment