★★★★ ☆☆☆☆☆☆
Starring: Rafe Spall, Arsher Ali, Robert James-Collier, Sam Troughton
Genre: Horror, Mystery
Runtime: 1 hour, 34 minutes
Director: David Bruckner
Writer: Joe Barton, Adam Nevill (novel)
Production: The Imaginarium
Country: United Kingdom
Isang trahedya ang nangyari sa magkakaibgang Luke (Rafe Spall), Phil (Arsher Ali), Hutch (Robert James-Collier) at Dom (Sam Troughton) dahilan kung bakit sila nagkaisa at naisip na akyatin ang isang kabundukan sa Sweden. Habang tinatahak ang naturang kagubatan, napilitang mag-shortcut ang grupo matapos mapilayan ang isa nilang kaibigan. Ang hindi nila alam, isang bangungot pala ang naghihintay para sa kanila na siyang gugulo sa kanilang samahan.
Mabagal ang naging takbo ng pelikula. Para sa akin ay masyadong mahaba ang talumpung minuto para lang ma-establish ang bawat karakter tapos hindi pa rin naman ito naging sapat para mapalapit ako sa mga bida. Sa totoo lang, wala ni isa sa kanila ang naging likable kaya mahirap makiramay sa kanilang pinagdadaanan.
Isang bagay lang ang pumasa sa pelikula at ito ay ang musical scoring. Kung wala ang atmospheric at madilim na tunog nito, hindi magiging epektibo ang takot na gustong ihatid ng pelikula.
Nahirapan akong hanapan ng malinaw na direksyon ang istorya ng The Ritual. Puro survival lang ng mga bida ang ipinakita at saka na lang naging malinaw ang takbo ng kuwento sa huling 25 minuto ng pelikula. Doon lang nalaman ng manonood na may mas malalim pa palang pinagmulan ang mga pangyayari. Sayang dahil kung ito lang sana ang naging sentro ng pelikula, mas naging kapanapanabik sana ito. Sa halip, naging isa na lang itong tipikal na survival-horror film na may predictable na takbo.
Sa kabila ng lahat, hindi rin naman maikakaila na ang halimaw dito ay kakaiba at talagang nakakakilabot. Ibang klase ang disenyo nito — may originality at presensya. Kung may isang bagay mang tatatak mula sa pelikulang ito, ito na 'yon. Overall, may potensyal sana ang palabas na ito. Kung mas pinaigting sana ang kuwento at karakter, puwedeng naging mas matindi pa ang impact nito. Kaso, sumunod lang sila sa formula ng mga palabas na may kaparehong genre.
© The Imaginarium
No comments:
Post a Comment